KAPIT MGA KAINHINYERO
Ilang buwan kang nakipagbuno.
Nagpakalumod sa mga libro
Todo bigay sa pag-aaral
Hindi tumigil sa pagdadasal
Ang init ng biyahe.
Pagpapalipas ng gutom.
Lahat kinaya mo.
Dahil sa dulo ka nakatuon.
At yan na, malapit ka na.
Hangganan ng daan, nakikita mo na.
Pero sa hindi inaasahang ganap
Ang daan na tinahak mo’y lalong humaba sa isang iglap
Ang dati’y abot kamay mo na
Ngayon hindi mo na matanaw
Tila ba nagbalik ka
Sa simula ng iyong paglalakbay
Ano nga bang magagawa mo?
Kung apektado ang buong mundo.
Isuko mo na lang kaya
Dahil ramdam mo na ang pagkasawa
Pero hindi ba ganyan ang mga pangarap
Sadyang may mga balakid
Dahil alam mo na pagdating sa huli’y
Ibang saya ang kanyang hatid
Kaya tumigil ka muna
Umupo, humiga
Pero kapag nagkaroon na ng lakas
Tumayo at muling tahakin ang landas
Isipin na ang naunang kabanata
Ay pagsasanay lamang
Hindi nasayang na panahon
Dahil magagamit mo ang natutunan ngayon
Mas malakas ka na ngayon
Mas handa, mas pursigido
Dahil ramdam mo na wala ka nga dahilan
Para hindi maging lisensyadong Inhinyero
Tags:IReallyCan